Monday, July 19, 2010

byaheng Tsug Tsug!

Tayong tuwid. Katawang di magalaw.May makate, ni di ko makamot! Parang hindi akin yung katawan ko kanina…. Kanina na nasa loob ako ng tren. Tren na parang alkansyang puno ng barya. Maswerte pa nga yung mga isada sa loob ng lata ng sardinas kesa samin eh. Haha, ewan pero imbis na mainis at mairita gaya ng ibang pasaherosa kalagayan nmin, NATUWA ako! Hindi ko alam kung dahil sa experience oh, nagiging demonya ako dhil natutuwang nakakaita ng nahihirapan (haha,hnd p nman ngyayari).

Ulo ko nalang nga ata yung nagagalaw ko, pero nakakailang pa ring lumingon kase bubungad syo ang muka ng kapwa mo pasahero! HIngahan kayo! WHaaaaah.(langhap sarap) haha

Iba na talga pag mura… yan tuloy dinudumog.. mura na, mabilis pa ang byahe… less n nga nman ang pagod at d nasasaynag yung time. Actually, Pang apat na beses na to nang sumakay ako sa tren pauwi. Unang lunes, unang sakay ko na ganun kapuno. Minsan na ring nakukwento sakin ng kaklase ko yung experience na ganun. Inimagine ko, pero d ko inaasahang maeexperience ko.,dahil di ko din nman inashang sasakay ako sa tren. Kung san ako pumupunta? Secret ko na yun…^^

Saturday, July 17, 2010

sa mga sandaling ito

Ang daming nais sabihin at ipahayag ng puso ko

Sa mga sandaling ito na ikaw ang nasa ulo ko

Nakikinig sa mga musikang nagpapa-alala sayo

Tae, muka akong gago!

Para ka naman kasing kuto

Pinipilit ko mang ikay suyudin at alisin sa ulo ko,

Iniwan mo naman ang mga lisang nagpapaalala sayo

At ang ending , di ka pa rin mawawala sa isip ko

At kung magpapakalbo naman ako..

Jahe,ang pangit ko!

Parang multo na hindi nakapagpulbo.

Ilang buwan palang nakaka aning na

Pano pa kaya sa mga susunod na araw,buwan at taon?

Pano kung di pa rin ako nagbago at ikaw pa rin ang laman nitong puso ko?

si pareng tadhana kayay mapgbgyan pa tayo?

Muka mang wala nang pinatutunguhan mga pinagsasabi ko,

May kwenta to, dahil seryoso ako.

nakakapagtaka lang....

Sa tuwing nakakapanood o nakaka encounter ako ng mga taong may problema sa pag-ibig, iniwan man, o hiwalayan ang naganap... hindi nawawala sa makapag-damdaming speech nila yung mga linyang ''Mas mahal ko siya kesa sa Sarili Ko" etc... at kung anu pang kaeklabuhang kataga..

Pano nila nasasabing mas mahal nila ang isang tao kesa sa sarili nila kung lahat naman ng ginagawa o sakripisyong binigay nila para dito eh ginagawa din nman nila para sa sariling kaligayahan o kagustuhan?

Nagmhal ka. Binigay mo lahat ng gusto niya. Ginawa mo lahat para lumigaya siya. Ayaw mo siyang nakikitang malungkot. Sumusuway pa minsan sa magulang, lalo na pag hindi legal ang relasyon. tumatakas, para makita siya. Magpapakahirap para sa ginhawa niya.

Masasabi mo bang mas mahal mo siya kesa sa sarili mo dahil sa mga bagay na to?
Dahil sa inuna mo siya, dahil inalala mo siya?

Hindi ba pumasok sa isip mo na ginawa mo yun dahil GUsto MO? para lumigaya KA.

Kaligayahan mo siya, kaya ginawa mo lahat para lumigaya siya, Para saan? para kanino? Diba para rin SAYo? para matupad yung gusto MO.

ngayon, pano mo sasabihing hindi mo inintindi sarili mo... eh lahat ng gnawa mo sa kanya eh para rin sa SARiLI MO... wala lang...

NAkakapagtaka lang......